Skip to main content

Washington State Office of the Attorney General

Citation
Washington State Office of the Attorney General
Jurisdiction
Washington (state)
Source
Official source

Full Text

1,100 chars
Inaatasan ng batas ng estado ng Washington(English) ang mga may-ari ng paupahan na magbigay ng abiso nang hindi iikli sa 14 na araw bago magpasimula ng proseso ng pagpapalayas. Ang 14 na araw na abiso ay nagbibigay-alam sa mga nangungupahan ng tungkol sa kabuoang pinansiyal na obligasyong ipinaparatang ng may-ari ng paupahan at dapat kabilangan ng ilang partikular na impormasyon ayon sa batas. Isinalin ng Attorney General’s Office (Tanggapan ng Punong Abogado) ang 14 na araw na abisong ito sa 12 wikang karaniwang ginagamit sa Washington, na makikita sa ibaba. Nangolekta ang Attorney General’s Office ng impormasyon para sa mga nangungupahan tungkol sa mga mapagkukunan ng tulong legal at pang-adbokasiya, kabilang na rito ang mga organisasyong pang-imigrante at pangkultura kung saan makatatanggap ng tulong ang mga nangungupahan sa kanilang pangunahing wika. Makikita ang mga mapagkukunan ng tulong na ito rito (English).

Mag-click dito para sa naipi-print na dokumento / Click here for a printable document

(Vietnamese) Nhấp vào đây để xem tiếng Việt[click to expand/contract]
"Vietnamese"